Thursday, March 19, 2009

LP: Paboritong Alahas


ako ay isang taong hindi mahilig sa mga alahas.. sapat na sa akin na paminsan ay mayroon akong suot na relo.. kung mayroong mahahalagang okasyon ay duon ko lamang inilalabas mula sa aking baul ang mga simple kong palamuti..

sa kaunting alahas na mayroon ako, ito ang aking pinakapaborito.. ito ay regalo sa akin ng aking namayapang ama at ito ang kauna-unahang alahas na natatandaan kong ibinigay sa akin.. kapag suot ko ito ay para bang kasama ko siya parati.. lalong naging mahalaga ito sa akin dahil sa paglisan ng aking ama nuong nakaraang nobyembre.. ito ay magsisilbing isa sa kanyang alaala sa 'kin..



i am not the type of person who's into jewelries.. it's enough for me to wear a watch at times.. i only wear such during special occasions..

this is my favorite of all the few jewelries that i own.. this was given to me by my father.. it is the first jewelry i remember that was given to me.. whenever i wear it, i feel as if my father's always with me.. this was made even more special when my dad passed away in november 2008.. this will now serve as one of my memories of him..

0 comments: