hindi ako mahilig sa sapatos kung kaya nahirapan akong maghanap ng isasaling lahok.
ito ang aking sapatos na roxy. nabili ko yan nuong isang taon. nuong una ko siyang nakita sa estante ay nagustuhan ko na agad subalit namahalan ako kung kaya hindi ko muna binili. pagkatapos ng ilang araw ay sinwerteng nag-sale ang tindahan at may dagdag na diskwento pa akong nakuha. may magandang naidudulot talaga ang paghihintay..
i'm not so much into shoes hence i found it difficult to look for an entry.
these are my roxy shoes. i bought them last year. the first time i saw them i really wanted them but they are too pricey so i didn't buy them. after several days, the store had a sale and i even got an additional discount. patience really brings out something good.
Thursday, March 26, 2009
LP 51: Sapatos
Posted by mommy tin at 3/26/2009 11:53:00 PM 0 comments
Labels: litratong pinoy, LP
Thursday, March 19, 2009
LP: Paboritong Alahas

ako ay isang taong hindi mahilig sa mga alahas.. sapat na sa akin na paminsan ay mayroon akong suot na relo.. kung mayroong mahahalagang okasyon ay duon ko lamang inilalabas mula sa aking baul ang mga simple kong palamuti..
sa kaunting alahas na mayroon ako, ito ang aking pinakapaborito.. ito ay regalo sa akin ng aking namayapang ama at ito ang kauna-unahang alahas na natatandaan kong ibinigay sa akin.. kapag suot ko ito ay para bang kasama ko siya parati.. lalong naging mahalaga ito sa akin dahil sa paglisan ng aking ama nuong nakaraang nobyembre.. ito ay magsisilbing isa sa kanyang alaala sa 'kin..
i am not the type of person who's into jewelries.. it's enough for me to wear a watch at times.. i only wear such during special occasions..
this is my favorite of all the few jewelries that i own.. this was given to me by my father.. it is the first jewelry i remember that was given to me.. whenever i wear it, i feel as if my father's always with me.. this was made even more special when my dad passed away in november 2008.. this will now serve as one of my memories of him..
Posted by mommy tin at 3/19/2009 12:40:00 AM 0 comments
Labels: litratong pinoy, LP
Thursday, February 19, 2009
LP: tipanan sa palawan

ito ay kuha mula sa mitra's ranch sa sta. monica, puerto princesa city, palawan. nuong nakaraang taon ay pinalad kaming makauwi kasama ng aking pamilya sa bayang pinagmulan ng aking kabiyak. sa aming pagpasyal sa lugar na ito ay maraming magsing-irog ang aming nadatnan at hindi ko na lamang isinali sa aking kinuhaan. napakaganda sa lugar na ito, tahimik at napakaaliwalas, bukod pa sa magandang tanawin na tatambad sa iyo. kung magawi kayo duon ay siguradong masisiyahan kayo ng iyong katipan. hehehe..
this view was taken from mitra's ranch in sta. monica, puerto princesa city, palawan. last year, we were lucky enough to go home with my family to my husband's hometown. when we reached the place, a lot of lovers were there and didn't include them anymore in my snapshot. the place is so nice, very peaceful and so refreshing not to mention the beautiful scenery. if you and your loved one visit palawan, make sure you pass by mitra's ranch. you'll surely enjoy.
Posted by mommy tin at 2/19/2009 10:17:00 PM 0 comments
Labels: litratong pinoy, LP








